Share:

Nitong Miyerkules ibinahagi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na maari nang tumanggap ang sikat na tourist spot sa Pilipinas na Boracay ng mga nais bumisita.

Binibigyan ng dalawa hanggat tatlong araw ang mga turista na magbigay ng kanilang resulata ng covid19 test bago sila dumayo sa isla.

Inaabisuhan din nila na sa Godfredo P. Ramos ang maari nilang gamiting paliparan upang makarating ng Boracay.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año handa na ang Boracay mula sa ika unang araw ng Oktobre na simulan ang pagpapapasok ng mga tao mula sa ibang lungsod.

Maging ang paghahanda para sa mga maaring magpositibo sa sakit habang nasa isla ay mayroon nading nakahandang isolation facility sa Aklan.

Leave a Reply