Share:

By Frances Pio

––

Tinalo ng Boston Celtics ang Golden State Warriors sa sarili nilang homecourt sa game 1 ng NBA Finals nitong Biyernes (Huwebes sa San Francisco, California, USA).

Naipasok ng Boston ang unang pitong 3-pointers upang tapyasin ang 12 puntos na lamang sa fourth quarter at naagaw ang panalo, 120-108, patungo sa final period sa Game 1 ng NBA Finals game sa Chase Center noong Huwebes.

Naipasok ng Celtics ang 9 sa 12 long distance sa fourth quarter bilang bahagi ng 17-0 run sa halos limang minutong ng laro.

Pinangunahan ni Jaylen Brown ang late run at umiskor ng 24 puntos na may pitong rebound at limang assist para sa Celtics. Si Derrick White na nagpamalas muli ng magandang performance mula sa bench at gumawa ng 21 puntos na may limang 3-pointers.

Si Al Horford, na naglalaro sa kanyang unang Finals game pagkatapos ng 141 playoff, ang nanguna sa Celtics na may 26 puntos, kabilang ang anim na 3-pointers.

Nagsanib ang mga koponan para sa Finals-record na 40 3-pointers, na winasak ang dating record na 35 na naitala ng Cleveland Cavaliers at Warriors noong 2017.

Leave a Reply