Share:

Isinailalim sa total lockdown ni Mayor Oscar Malapitan ang Barangay 38 sa Caloocan para mapigilan ang pag taas ng kaso ng Covid19 sa lugar.

Makikita sa isang post ng alkalde, isinailaim nya sa total lockdown ang isa sa mga barangay sa kaniyang nasasakupan simula July 14 hanggang July 20. Dahil mayroon nang 42 na kaso ng Covid sa nasabing barangay.

Isinasagawa naman na ang contact tracing sa barangay upang mapigilan ang pagtaas ng mga positibo sa Covid19. Nangako naman si Mayor Malapitan na tutulungan nila ang mga pamilyang apektado ng lockdown kung saan mag bibigay sila ng mga food packs at iba pang uri ng ayuda.

Leave a Reply