Ang buong lalawigan ng Cebu ay mananatili sa ilalim ng Alert Level 2 hanggang Nobyembre 30, ayon sa Palasyo.
Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa isang pahayag, ang updated alert level classifications na inirerekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF).
Karamihan sa mga lugar sa bansa, kabilang ang Cebu at Metro Manila, ay mananatili sa ilalim ng Alert Level 2. (By: Frances Pio)
