Share:

By: Margaret Padilla

Nagbabala si Camille Prats, isang aktres, at TV host sa publiko sa kanyang Instagram page noong Agosto 16 tungkol sa isang pekeng ad na nagbebenta ng mga expired na meryenda at cereal gamit ang larawan ng kanyang pamilya.

Sinigurado niya na hindi siya konektado sa mga nasabing produkto o sa mga taong nagbebenta nito.

Nag-post si Prats ng screenshot ng page na may pangalan niya at ng kapwa aktres na si Marian Rivera, na nagrekomenda raw sa kanya ng mga produkto base sa bogus endorsement.

“I have been getting a lot of messages about this photo of our family endorsing some snacks and cereals,”ang post ng actress. “Guys, THIS IS A SCAM! We are not endorsing such products.” 

Ipinahiwatig din niya na ang anumang collaborations sa mga brands ay ibinabahagi (share) at nai-post lamang sa kanyang mga opisyal na platform ng social media.

Sinubukan rin ng isang mamimili na makipag-ugnayan kay Prats sa pamamagitan ng isang kaibigan na may layuning mahanap ang nagbebenta pagkatapos matanggap ang mga nag-expire na item.

Ayon sa Philippine Daily Inquirer, nagpahayag ng pagkabahala ang mga co-stars ni Prats na sina Iya Villania, Lovely Abella, at iba pang celebrities tungkol sa panloloko ng mga nagbebenta sa mga mamimili.

Nagkomento pa si Abella na ginamit din ng kaparehong produkto ang iba pang celebrities para sa mga pekeng endorsement. “Ate, lahat ng artista ginagamit nila.”

Samantala, nagbabala si Prats sa publiko na naiulat na ang mga nasabing post, ngunit lumalabas pa rin ang mga ito. Hinikayat niya ang lahat na ipaalam sa kanila kung nakita nilang muli ang alinman sa parehong mga post sa iba pang platform ng social media.

Pinayuhan din niya ang lahat na maging maingat at mag-double-check upang makita kung ang account ay na-verify bago bumili ng anuman.

“Palaging suriin kung ang account ay na-verify bago i-click/bumili. Maging vigilant tayong lahat sa mga ganitong post,” babala ng aktres. “Madami ng magaling mag edit at mangbudol,” sabi pa niya. (Photos: Instagram page of Camille Prats)

Leave a Reply