Share:

By Frances Pio

––

Nakatakdang pamunuan ng campaign manager ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr. na si Benhur Abalos ang Department of Interior and Local Government (DILG), inihayag ng kampo ni Marcos nitong Biyernes.

“I would like to announce that chairman Benhur Abalos has been nominated to lead the Department of the Interior and he has accepted the challenge to lead the Department of the Interior and Local Government,” ayon sa spokesman ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez.

Si Abalos ay dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ilalim ng administrasyon ni outgoing President Rodrigo Duterte.

Nagbitiw siya sa kanyang puwesto para maging national campaign manager ni Marcos.

Nakatakda si Marcos na maging punong ehekutibo ng bansa, na nakakuha ng mahigit 31 milyong boto noong May 9, 2022 elections, ayon sa partial at unofficial tally ng Comelec.

Leave a Reply