Share:

By Jude Sagun

MANILA, Philippines —Nagpahayag ng pagkadismaya si Miss Universe 2018, Catriona Gray, sa maagang pagkaputol ng kanyang speech sa Global Peace Festival na ginanap sa Pampanga.

Sa Twitter post ni Catriona, humingi siya ng paumanhin sa mga tagahanga at crowd na naghihintay sa kanya sa event, at madiin niyang sinabing, “I’m so disappointed.”

To everyone who has been waiting in the heat at the #GPFestival2022 I’m sorry. I worked on a 20 min speech for you all, and have been so excited to share it with you all but I was cut off not even 10 mins in,” saad ng beauty queen. 

Kabilang si Catriona sa annual celebration ng Global Peace Festival, na may layuning makapagbuo ng “sustainable peace and advance models of development on community, national, and regional levels.”

Sa mismong event, sinimulan ni Catriona ang kanyang talumpati sa pagbibigay mensahe patungkol sa bolunterismo.

It’s like our version of altruism which is life compassion but it means to give selflessly without any personal gain,” ani Catriona. 

Ngunit matapos lamang ang ilang minuto, pinakiusapan na si Catriona na tapusin na agad ang kanyang speech. 

Matapos nito, ipinakilala na ang founder at chairman ng Global Peace Foundation na si Dr. Hyun Jin Preston Moon.“Just know I love and appreciate you guys and I’m so sad I wasn’t able to have my proper time with you,” dagdag na tweet pa ng dating Miss Universe.

Leave a Reply