Share:

By Margaret Padilla

Kasunod ng mga teknikal na problema tulad ng ‘power outage’ na naging sanhi ng pagkagambala ng air traffic control sa Araw ng Bagong Taon, ang Cebu Pacific Airlines ay nagbigay ng katiyakan sa mga pasahero nito na ang normal na operasyon ng flight ay babalik ngayong Martes, ika-3 ng Enero.

“Mukhang bukas, January 3, inaasahang mag-normalize ang operasyon para sa Cebu Pacific. 

We do not expect any further cancellations related to the glitch that happened on the first day starting tomorrow,” ang pahayag ni Xander Lao, pangulo, at chief commercial officer ng Cebu Pacific. 

Asahang walang karagdagang pagkansela ng flight ang mangyayari dahil sa mga teknikal na isyu ng paliparan, ayon kay Lao sa isang panayam ng The Final Word sa CNN Philippines.

Iginiit ng pangulo na mula nang masuspinde ang operasyon sa NAIA noong Enero 1 bilang resulta ng mga problema sa air traffic control system, hindi bababa sa 330 flight ang nakansela.
Sa kabila ng katiyakang ito, hinimok niya ang mga customer ng airline na kumpirmahin muna ng mas maaga ang katayuan ng kanilang mga flight. (Photo: Cebu Pacific)

Leave a Reply