Share:

By: Jude Sagun

MANILA, Philippines — Balik Pilipinas na si Miss Universe Philippines 2022, Celeste Cortesi matapos bigong maiuwi ang ika-limang korona ng Pilipinas sa 71st Miss Universe na isinagawa sa  New Orleans, Louisiana, United States. 

“I’m finally back home. The entire year has been the most challenging, and yet most exciting time of my life,” saad ni Cortesi sa kanyang social media post, kalakip ang Digitally-enhanced version ng kanyang Miss Universe “Darna” Costume. 

“To represent my country, The Philippines, is my greatest honor,” dagdag pa ng Fil-Italian Beauty queen. 

Saad pa ni Cortesi, patuloy niyang isasabuhay ang kanyang pagiging Filipina at nagbahagi ng kanyang mga karanasan nang pasukin ang mundo ng beauty pageants. 

“ I challenged myself and stepped out of my comfort zone by flying here alone as a very young woman. I’ve always known by heart that there are NO limits in what you can achieve as long as you are committed to the vision and your intentions are pure, as I have done by pushing myself beyond my limits in the services of my advocacies, training, and learning,” ani Cortesi. 

Ipinagpasalamat din ni Cortesi ang pagkakataon na mai-representa ang mga Pinoy sa pageant. Pinasalamatan niya rin ang kanyang team, taga suporta at kanyang pamilya sa pagsama at pagtulong sa kanya sa prestihiyosong kompetisyon. 

“To my team, thank you for being my safe place. You all believed in me more than anyone else and I am honored to be a part of this family.” 

“To my fans, I feel your love, I hear your support, and I see your messages everyday. I now believe that my purpose is to inspire, and I will NEVER stop inspiring and motivating all of you, with or without the Universe Crown. I am committed.”

“To my family and loved ones, thank you for never leaving my side. I wouldn’t know what to do without you. I am the luckiest person in the world and even tho I don’t express it as much as I would want to, just know I truly love you.”

“To my country, I stand PROUD to be a Filipina,” saad ni Cortesi. 

Marami ang ikinagulat ang pagkakaligwak ni Cortesi sa top 16 ng Miss Universe 2022, maging nang mahigpit nitong karibal na si Miss Thailand. Ayon mismo kay Miss Universe owner Anne Jakrajutatip, maging siya ay nasurpresa sa pagkakaligwak ng mga frontrunner sa finalist, Pero anya, naniniwala siya na ginawa ng mga hurado ang trabaho nilang mamili kung sino ang mga karapat-dapat sa Top 16.

Si Catriona Gray ang huling Filipina na nakapag-uwi Miss Universe crown para sa Pilipinas noong 2018. Sa ngayon, puspusan na ang paghahanap ng Miss Universe Philippines sa susunod sa yapak ng beauty queen. 

Leave a Reply