By Christian Dee
MAYNILA – Kapalit ni Lt. Gen. Bartolome Bacarro, itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Gen. Andres Centino bilang bagong chief of staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP).
Matatandaang nagsilbi rin si Centino sa parehong posisyon sa AFP noong Nobyembre 12, 2021 hanggang Agosto 8, 2022.
Ang pagtalaga sa naturang opisyal ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Biyernes, Enero 6.
“Under his leadership, the Armed Forces successfully launched military campaigns to combat insurgents and local terrorist groups resulting in the dismantling of guerilla fronts and the clearing of affected communities,” anang PCO.
Sinabi rin ng PCO na nanumpa na si Centino sa Malacañang.
Dagdag pa ng PCO, sa nagdaang termino ni Centino bilang chief of staff ng AFP, pinamunuan niya ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mapayapang pagsasagawa ng Pambansa at lokal na eleksyon noong 2022.