By Margaret Padilla
Si Coco Martin, isang aktor ng ABS-CBN, ay nakilahok sa libu-libong deboto sa mga aktibidad ng kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo kahapon.
“Nakiisa sina Coco Martin at ang staff ng FPJ’s Batang Quiapo sa mga Pilipino at mga deboto sa paggunita ng kapistahan ng Itim na Nazareno.”
Ito ang caption ng ilang larawan ni Martin at ng staff ng kanyang upcoming series na “FPJ’s Batang Quiapo” na nagdarasal at nakikibahagi sa mga aktibidad sa paligid ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na ipinost sa Twitter account ng Dreamscape.
Nakasuot sila ng maroon na pang-itaas, isang kulay na kilala sa mga deboto ng ‘religious icon.’
“Ngayong araw din isinagawa ang araw ng taping ng #FPJsBatangQuiapo!” mababasa pa sa caption.
Sa aktwal na selebrasyon ng kapistahan, kinunan rin ang mga eksena na gagamitin para sa serye.
Ipinahayag ng Kapamilya actor noong 2016 na nag-aalangan siyang sumali sa Quiapo festival dahil sa dami ng tao at sa mga pagkamatay na naganap doon.
“Sa pista ng Quiapo, sa dami ng tao, syempre kahit ako natatakot ako dahil may mga namamatay doon,” aniya.
“Sabi ko sa sarili ko, ‘Kaya ko ba ‘to?’ Noong ginawa na namin ‘yun, hindi ko maipaliwanag. Sabi ko nga, first time kong naramdaman na lumangoy ako sa libu-libong tao hanggang sa nahawakan ko ‘ang Nazareno,” dagdag pa ng aktor.
Napagalaman na bago pa siya sumikat, si Martin ay isa nang deboto ng Itim na Nazareno.
(Photos: Twitter of DreamscapePH)