Share:

Magpapatayo ng mga cold storage facilities para agriculture products sa lahat ng mga probinsya at rehiyon sa bansa si presidential aspirant Isko Moreno Domagoso kung mauupong presidente sa taong 2022.

Inihayag ito ni Moreno noong Huwebes sa idinaos na town hall meeting sa Barangay Banaba, Tarlac City kung saan nakipagpulong siya sa mahigit 100 magsasaka at agricultural workers.

“I was thinking kung pupuwede na magkaroon tayo ng paglalagakan para sa manok, baboy, itlog, isda at gulay. Recently meron akong naaral na spasyo na pag-aari ng pamahalaan,” ayon kay Moreno.

Aniya, mayroong mga National Food Authority (NFA) depots na pagmamayari ng gobyerno sa lahat ng mga probinsya at rehiyon ang kasalukuyang hindi nagagamit.

“Naisip ko hindi na ako gagastos para bumili ng lupa, ang gagastusan ko na lang ay magtatatag ako ng cold storage facility para sa dalawang industriya, vegetables and fishery products. That way we can create more storage facilities,” saad ni Moreno.

Pagdiin ni Moreno, ang pagtatayo ng cold storage facilities sa lahat ng mga probinsya ay isang paraan upang masiguro ng mga magsasaka, mangingisda, at mga livestock farmers na mayroon silang mapaglalagyan ng kanilang mga produkto o surplus products.

“The facilities would ensure that the vegetable crunch in March to April last year would not happen again,” ani Moreno.

Ginawang halimbawa ni Moreno ang nangyari kamakailan sa Luzon, kung saan tonetoneladang mga gulay galing sa Mountain Province at Central Luzon ang nasayang dahil sa ipinapatupad na strict lockdown sa rehiyon. Dagdag pa ng alkalde, maraming mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila ang nagutom dahil sa pangyayaring iyon.

“If we believe that food security is the number one threat to national security, then government hindi dapat maging kwidaw, dapat walang agam-agam na gumastos para masigurado na may makakain ang bawat Pilipino. And the only way to do that is to continue to listen on gthe situation nung mga nag po produce ng pagkain,” dagdag pa ni Moreno.

(By: Aj Lanzaderas Avila)

Leave a Reply