By: Jude Sagun
Pumanaw na sa edad na 51 ang komedyante at direktor na si Phillip Lazaro.
Sa facebook post ng pamangkin nito na Armarie Saavedra Cruz-Go, kinumpirma nitong yumao na ang direktor.
“Tito Phillip Lazaro, even though we know it is a part of life, we are never prepared to say goodbye forever. Our hearts are heavy today because we have lost someone so special, but we also celebrate your life. Rest In Peace,” ani Cruz-Go.
Wala pang impormasyon kaugnay sa dahilan ng pagkamatay nito at detalye para sa burol.
Kinumpirma na rin ng GMA Network ang pagpanaw ni Lazaro.
Naging bahagi si Lazaro ng ilang mga teleserye at pelikula sa iba’t-ibang istasyon, at naging unit director ng teleseryeng Prima Donnas 2, Widow’s Web, at Nagbabagang Luha, ng GMA.