Share:

By Frances Pio

––

Nagpaplano si Chairman George Garcia na lumikha ng Commission on Elections (Comelec) Academy sa loob ng kanyang termino.

Layunin aniya nito na sanayin at turuan ang lahat ng mga papasok at kasalukuyang empleyado at opisyal ng kanilang mga tungkulin, at mga responsibilidad.

“There will be officials or employees that will say they will just learn their jobs in the next six months to one year,” sinabi ni Garcia sa isang press briefing noong Agosto 3.

“What we want is everyone we will hire must undergo training and learn our curriculum,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Garcia na maging ang kanilang mga kasalukuyang empleyado ay sasailalim sa mga kinakailangang pagsasanay.

“Learning must be constant. Your knowledge must always be upgraded,” ika niya.

Sinabi ni Garcia na iuutos na niya ang pagsasagawa ng feasibility study para rito.

Bukod sa pagtatatag ng Comelec Academy, nais din ng poll chief na lumikha ng Office of the Comelec Spokesperson bilang permanent entity, at isang marshal ng Comelec.

Leave a Reply