Share:

By Frances Pio

Pormal na idineklara ng City Board of Canvassers sa Iligan City ang bagong mga nanalo sa katatapos lang na national at local election sa Sangguniang Panlungsod Session Hall noong Mayo 10.

Pinangunahan ni Election Officer Lawyer Joel Dexter Nagtalon at ng mga miyembro ng board na sina Atty. Celso Sarsaba at City Schools Division Superintendent Roy Angelo Gazo ang proklamasyon.

Idineklara ng Board ang incumbent representative ng nag-iisang distrito ng Iligan na si Frederick Siao bilang nanalong kandidato para sa posisyon sa pag-alkalde na may 81,205 boto.

Ang running mate ni Siao na si Dodong Alemania ay idineklara rin bilang panalo para sa bise alkalde. Nanalo bilang bagong representative si incumbent City Mayor Celso Regencia na nakakuha ng 75,426 na boto.

Ang bagong Sangguniang Panlungsod members ay kinabibilangan nila Tete Pacaña, Pisyong Larrazabal, Queenie Belmonte, Michelle Sweet, Tatay Huertas, Bong Abragan, Jake Balanay, Ryan Ong, Marlene Young, Ramil Emborong, Betsy Zalsos at Nhicole Capangpangan.

Leave a Reply