Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na hindi maaantala ang proklamasyon ng 12 nanalong senador sa May 9 polls.

Ang pinakamaagang pagkakataong maiproklama ang mga nanalong kandidato sa pagkasenador ay “early next week,” ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson Rex Laudiangco.

Inihayag ni Laudiangco ang optimistic target sa isang media briefing nitong Huwebes ng hapon, dahil nabanggit niya na ang National Board of Canvassers ay nakapag-canvass na ng 82 sa 173 certificates of canvass (COC), at inaasahang matatapos pa sa susunod na araw.

Naghihintay pa rin aniya sila ng ilang manually accomplished COCs.

“Meron lang po tayong kaunting hihintayin… Kaya nga po best case scenario projection is a week’s time or so. Early next week,” ika niya.

Aniya, idedeklara nila ang mga nanalo sa sandaling matapos na ang “karamihan sa mga COC”, at sa pagtantsa na ang natitirang mga boto mula sa mga espesyal na halalan ay hindi na makakaapekto sa canvassing ng mga boto.

Leave a Reply