By Frances Pio
––
Kinondena at nananawagan ng hustisya ang Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes sa pagpatay sa isang election officer sa Zamboanga del Norte. Namatay ito matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na nakamotorsiklo.
“The Comelec condemns the brutal slaying of Engineer Maricel Peralta, election officer of Mutia, Zamboanga del Norte,” sinabi ni Director James Jimenez, chief of the Comelec Education and Information Department, sa isang pahayag.
“We are already in communication with the PNP and we assure the public — and Maricel’s loved ones — that the Comelec will not rest until justice is served,” dagdag pa niya.
Nauna nang iniulat ng pulisya na pauwi na si Peralta, kasama ang assistant election officer na si Maritess Inding, nang salakayin ang kanilang sasakyan ng hindi pa nakikilalang gunman sa tulay ng Lapu-Lapu sa Piñan.
Ayon sa mga awtoridad, binawian ng buhay si Peralta dahil sa mga tama ng bala, habang nakaligtas naman si Inding at kasalukuyang nagpapagamot.