Walang nakikitang dahilan ang Commission on Elections (COMELEC) para hindi ipagpatuloy ang eleksyon sa taong 2022 sa kabila ng pandemya na nararanasan sa ating bansa.
Ayon kay Director James Jimenez ng COMELEC, hindi basta bastang mapapalitan ang petsa o panahon ng halalan. Sa kasalukuyan ay wala pang nakikitang dahilan para ipagpaliban muna ang darating na halalan.
Sa naganap na budget hearing sa House of Representatives ay iminungkahi ni Deputy Majority Leader Mikey Arroyo sa COMELEC na ipagpaliban muna kung maaari ang halalan dahil di umano tayo ay kasalukuyan pang nasa kalagitnaan ng pandemya.
Ayon naman kay Former Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal ay hindi kinakailangan na ipagpaliban ang eleksyon dahil di umano sa ibang bansa ay patuloy ang kanilang mga eleksyon kahit pa mayroong pandemya.
Ani naman ni Comelec Executive Director Bartolome Sinocruz Jr., ay pinagiisipan nila kung gagawing 2 hanggang 3 araw ang eleksyon at isasagaw ito sa mga covered court imbes na sa mga silid ng paaralan para mapanatili parin ang kaligtasan ng bawat isa at maiwasan ang patuloy na pagkahawahawa at pagkalat ng virus sa ating bansa.