Share:

Libreng cash card na ginagamit para makasakay sa mga pampublikong sasakyan sinimulan na ipamigay ngayong Biyernes. Halos 125,000 na ang naipamigay na beep card na walang load sa Monumento bus station at PITX.

Dahil sa binatikos ang paniningil ng mahal na Beep card na umabot ng P180 para makasakay sa EDSA bus way nag labas ng memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pinauutos nitong hindi dapat singilin ang mga tao sa card para makasakay sa bus o jeep.

Sa ngayon tinitignan naman daw ng Department of Transportation (DOTr) kung paano nila ire-refund ang mga bayad sa mga bumili na ng beep card. Pero maaari pa rin nilang magamit ito dahil mayroong mga bus sa EDSA na gumagamit lang ng beep card at walang konduktor.

Leave a Reply