Share:

––

“Congrats Champ!!” ‘Yan ang pagbati ng aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang hunk boyfriend na si Ricci Rivero. 

Kabilang si Rivero sa UP Fighting Maroons na nagwagi laban sa Ateneo Blue Eagles sa  katatapos lang na UAAP Season 84 men’s basketball title. 

Sa post ni Brillantes, makikita ang sweet moment nila ng boyfriend at ang video kung saan labis ang pag-cheer niya sa pagkapanalo ng UP sa Mall of Asia Arena noong biyernes, Mayo 13. 

Kinilig naman ang mga fans sa post ni Brillantes at nagpakita ng suporta sa magkasintahan,  ngunit kahit feel good ang nasabing post, dagsa pa rin ang mga ‘hate comments’ mula sa mga bashers ng aktres. 

Pero tugon ni Rivero kay Brillantes, “Teka lang, kinikilig ako.” 

Mayroon ng higit sa kalahating milyong likes ang post na ito ni Andrea. 

Kamakailan lang, nag-trending sa social media ang video kung saan niyaya ni Rivero si Brillantes na maging ‘girlfriend’ na agad namang sinagot ni Andrea ng ‘yes.’ 

Matagal nang iniuugnay ng fans ang dalawa, pero nakumpirma lang ang relasyon nito sa nasabing viral video. 

Leave a Reply