Share:

Bumaba sa 1.86 ang Covid-19 reproduction sa loob ng National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA research group dahil di umano sa paghigpit ng mga quarantine protocols na ipinatupad ng gobyerno. 

Ayon kay Professor Guido David ang reproduction number noong nakaraang linggo ay umaabot sa 2.05% ngunit matapos higpitan muli at ibalik sa ECQ ang buong NCR at mga karatig nitong probinsya ay tila bumaba ang Covid-19 reproduction number. 

“Significant naman ‘yung decrease and in fact naka-two days pa lang tayo ng ECQ. We’re expecting na bababa ‘yung reproduction number by the end of the week, baka nasa 1.4 na lang siya or 1.3,” ani niya. 

“Hindi ibig sabihin nito na pababa na ‘yung bilang ng kaso” paliwanag ni David

“The fact na greater than 1 ‘yung reproduction number, it means tumataas pa rin ‘yung bilang ng kaso so kukulangin pa rin ‘yung one week para sa mga hospitals natin kasi the fact na tumataas ‘yung numbers, it means mas marami ang mangangailangan ng hospital care,” dagdag pa niya.

Ang mga lugar na kasalukuyang nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ay ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na matatapos sa Abril 4.

Samantala, inirerekomenda naman ng Department of Health na palawigin pa ang ECQ sa mga nasabing lugar upang tuluyan ng bumaba ang kaso ng Covid-19 sa ating bansa.

Leave a Reply