Inaasahan na sa buwan ng Mayo sa susunod na taon ay magkakaroon na ng bakuna para sa Covid sa ating bansa kung masusunod ang mga plano ukol dito ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr.
Nais ng pamahalaan na magkaroon na ng mahigit 24 milyong bakuna sa ating bansa sa unang kwarter ng susunod na taon. Ang mga mauunang bakuna na darating sa bansa ay para sa mga frontliners, indigents at vulnerable sectors ayon kay Galvez.
Ngunit ito ay naka depende pa rin sa bilis ng ibang bansa na makagawa at maaprubahan ang ginawa nilang bakuna. “If everything will go well, ang mangyayari po is earliest is May,” ani ni Galvez.
Tinatayang 3 hanggang 5 taon lang ang vaccine roadmap at ayon sa World Bank ay aabot lamang sa 1.4 bilyong bakuna ang magagawa bago matapos ang taong 2020. Gumagawa naman ng paraan ang pamahalaan at nakipag ugnayan sa World Health Organization upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa lalo na sa bakuna.
Samantala, umabot na sa 388,137 ang tinamaan ng covid sa ating bansa matapos madagdagan kahapon (miyerkules) ng 987 na bagong kaso. Ito na ang pinakamababang naitala ng DOH na kaso ng covid simula noong nakalipas na apat na buwan.