Patuloy ang pagdiskubre at pagaaral ng mga eksperto mula sa iba’t ibang bansa upang magkaroon na ng gamot kontra Covid. Inaasahan naman na sa kalagitnaan ng susunod na taon pa ito magiging available sa merkado.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinakailangan muna nilang siguraduhin na ligtas at epektibo ang gamot na gagamitin sa ating bansa. Sa kasalukuyan, patuloy parin ang clinical trials na ginagawa ng mga eksperto upang maipagamit na sa iba pang bansa ang mga bakuna.
Ayon naman kay President Rodrigo Duterte, mas pinaprayoridad niya ang pagkuha ng gamot mula sa bansang China at Russia dahil di umano ang ibang bansa ay humihingi na ng paunang bayad.
“That s the one thing that s wrong with Western companies. Kaya sabi ko we will give preference to Russia and China provided that their vaccine is as good as any other in the market,” ani ni Duterte.
Matatandaan na isa ang ating bansa na makakasali sa Clinical Trials na gagawin ng Russia upang masubukan kung epektibo ba ang gamot na nagawa nila na tinatawag na Sputnik V.
Ayon pa sa Presidente, ito ang pinakamura at epektibo ang bibilhin ng ating bansa na gamot kontra Covid.