By Frances Pio
––
Iniurong ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang mga kasong libel na isinampa niya laban sa ilang mga news reporter at media outfits dahil sa mga alegasyon ng paglalathala ng mga hindi na-verify na ulat sa mga kasong graft na kinasasangkutan niya.
Sa isang post sa Facebook page nitong Biyernes, sinabi ng Department of Energy (DOE) na nagsagawa na ng affidavit of desistance si Cusi sa Taguig City Prosecutor Office na naglalayong bawiin ang mga reklamong libel at cyber libel laban sa pitong news organization.
Ang mga libel raps ay para sa mga balitang nakasentro sa Malampaya gas field deal, kung saan ang mga pribadong respondent ay nagsampa umano ng mga kasong graft laban sa kanya, Udenna Chief Executive Officer Dennis Uy, at iba pang personalidad para sa kanilang papel sa pagbebenta ng major shares ng Malampaya.
“Despite the hurt feelings and damage done to my name, a deeper reflection on what has transpired has led to the realization that the many interactions with the respondents have undeniably resulted in the forging of valued friendships and professional relationships,” sinabi ni Cusi sa isang parte ng kanyang affidavit.
“The filing of cases was precisely brought about by the hurt feelings from unverified actions or words,” dagdag pa niya.
Ayon kay Cusi, Nais niya na pagaangin ang kalagayan ng mga mamamahayag mula sa pasanin ng pagharap sa mga kasong kriminal laban sa kanila.
Binanggit ng DOE ang pitong news organization bilang mga respondents sa kaso: ABS-CBN Corporation, Philippine Business Daily Mirror Publishing, Inc., BusinessWorld Publishing, GMA News Media, Manila Bulletin Publishing Corporation, Philstar Global Corporation, at Rappler.
“However, in the interest of preserving what can be saved (with) these valued relationships, I am therefore executing this affidavit of desistance to move forward from the unfortunate events by sparing everyone from the rigors of prosecuting and defending criminal cases,” sinabi ni Cusi.