Share:

Sa patuloy na operasyon ng MRT hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pakahabahabang pila upang maiwasan ang pagkalat ng Covid sa mga pasahero nito.

Dahil dito ay binabalak na magdagdag ng mga bus terminal sa ruta kung saan lamang maaaring sumakay at bumaba ang mga pasahero, ito ay sa mga rutang Guadalupe, Makati at Ortigas.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay hindi nila masosolusyunan ang kakulangan sa mga transportasyon sa EDSA lalo na sa bus at tren na hindi naman pareho ang operasyon. Ang prayoridad sa ngayon ay ang kaligtasan ng mga pasahero laban sa banta ng Covid-19.

Sa kasalukuyan ay mayroong 90 bus ang itinalaga upang pumasada ng MRT bis Augmentation at mahigit 150 na bus naman ang pumapasada sa EDSA.

Sabi naman ng MMDA ay makakaasa ang mga komyuter sa mas maayos at magandang transportasyon sa mga susunod na buwan.

Leave a Reply