Share:

Nagdagdag muli ng mga ruta para sa mga jeep sa Metro Manila ang LTFRB. Mahigit 44 na bagong ruta ang binuksan upang makapasada ang mga jeepney at bilang tulong na din sa mga komyuter.

Mayroon namang 4,820 units na jeep ang dinagdag upang makapasada na sa Metro Manila matapos ang mahigit 6 na buwan na nasa ilalim ang bansa sa mga Community Quarantine. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 27,016 ang mga jeepney na nakakapasada at mayroong 302 na ruta ng magsimulang pumayag muli ang LTFRB sa kanilang pagpasada.

Samantala, patuloy pa rin naman ang pagpasada ng mga bus at tren sa Metro Manila na mas unang pinayagan ng LTFRB na makabyahe at makapasada. Ayon naman sa LTFRB ay kanila ng inaayos ang pagbubukas ng mga ruta para naman sa mga sasakyang pandagat o ang nga ferry sa Metro Manila.

Leave a Reply