Share:

Balik telebisyon ang real life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa inaabangang seryeng “2 Good 2 be True” na idederek ni Mae Cruz-Alviar.

Sa panibagong proyektong ito, hindi maiiwasan ang tanong kung ready na nga ba ang magkasintahan sa next level ng kanilang relasyon.

Sa isang reunion special, tinanong sila ng mga batikang direktor na si Olivia Lamasan, Cathy Garcia Molina kasama ni Cruz-Alviar, kung paano nila nakikita ang kanilang tambalan sa susunod na sampung taon. 

 “Ang dami pang mangyayari. Imagine, 36 na ako by then,” ani Bernardo. 

Kaya naman tanong ni Garcia-Molina, handa na raw ba na magpakasal ang dalawa? 

“‘Pag 10 years? Siyempre, meron na,” sagot ng aktres. Pabiro naman na sinang-ayunan ito ng kanyang boyfriend na si Daniel. “Meron na. Iyon din. Iyon na ‘yung ultimatum ko. ‘Pag hindi pa ako kinasal… Kathryn, ‘pag ayaw mo pa, ayoko na.” 

“Looking forward na rin ako doon, kasi ano pa bang ano ko sa buhay ko? Twenty-seven na ako. What’s next sa aming dalawa?” dagdag ng aktor. Inalala rin ni Padilla na kahit mga teen-ager pa lang sila ni Bernardo, napag-uusapan na nila ang kasal. 

“Masyadong mabilis lalo ang panahon, ang bilis talaga. At saka dati pa naman, 16 at 17 years old pa lang kami, pinag-uusapan na namin ‘yan,” saad nito.

Inamin rin ng dalawa na plinano na nila dati na magpakasal sa edad na 26. “Nag-mo-move. Dapat 26. Ang bilis pala,” ani Bernardo.

Giit naman ng boyfriend nitong si Daniel “Dapat 28, pero hindi pa pala ‘yun. Basta 30, usapan natin. Hindi na mamu-move ‘yun.”

Pero ayon kay Bernardo, sa pagkakataong ito, hindi pa handa ang dalawa na magpakasal, “You can’t say that to me kasi ‘pag marriage, dapat pareho tayong ready. Alam mong hindi pa tayo ready ngayon. Kailangan pa natin aralin ang buhay,” sabi nito sa boyfriend.

Wala mang kasalang mangyayari sa lalong madaling panahon, muli naman nilang pakikiligin ang fans sa kanilang pagbabalik teleserye. Nakatakdang ipalabas ang ‘2 Good 2 be True’ ng Kathniel simula sa Lunes, May 16 sa cable channels at online platform ng ABS-CBN Entertainment. 

Leave a Reply