By Jude Sagun
MANILA, Philippines — Ibinunyag na ng resigned Binibining Grand International 2019 na si Samantha Ashley Lo ang relasyon sa partner na si Jennica Rubin.
Sa Instagram post ng former beauty queen at Grand Winner ng Century Tuna Superbod 2020, makikita ang pagiging sweet nila ni Rubin habang sumasayaw sa isang restaurant.
Kinakiligan rin ang matamis na “Kiss” ng dalawa.
Ani Samantha sa naturang post, “I know that many of you will have questions after seeing this post so I will answer the question we all want to know: Yes, I am the little spoon.”
“Happy birthday little pea @jaaaanniiii,” dagdag pa ni Samantha.
Maraming na sorpresa sa rebelasyon na ito at marami ring nagpaabot ng suporta sa relasyon ng dalawa, isa na si Bb. Grand International Samantha Panlilio, na nagkomentong “Que Sweet!!!”
“Knew it HAHA happy birthday @jaaaanniiii!! Miss you both!!,” komento naman ng
social media star na si Inka Magnaye.
Inaabangan pa ng netizen ang pagkukwento ni Ashley ng pagsisimula ng kanilang relasyon. Matagal na rin nagsasama sa iisang larawan ang dalawa sa mga IG post ng former beauty queen.
Bigong maiuwi ni Ashley noong 2019 ang golden crown ng Miss Grand International. Nobyembre ng parehong taon nang bitawan niya ang titulo at ipinasa kay Aya Abesamis.
Si Aya Abesamis ang nagpatuloy sa titulong Binibining Pilipinas Grand 2019 at siya ring nagpasa ng korona kay Binibining Pilipinas 2021 Samantha Panlilio.