Share:

Ang Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 ay magsasagawa na ng community testing sa mga barangay at siyudad sa Davao City na mayroong matataas na bilang ng COVID-19.

Simula noong dumating sa lungsod ang mga CODE team (Coordinated Operations to Defeat Epidemic)  mula sa pamahalaan noong Nobyembre, agaran itong nagtayo ng emergency operations center at One Hospital Command para magsagawa ng mass testing sa komunidad at sinimulan nitong unang araw ng Disyembre.

Ayon kay Health Undersecretary Dr. Abdullah Dumama Jr., Ito yung pinaka epektibong paraan para maiwasan ang pagkalat ng virus at makapag ligtas ng mga buhay. 

Target nilang isailalim sa mass testing ang sampung libong residente sa Davao region, kasama na ang pagsasagawa ng pag aaral sa close contacts ng COVID-19 patients.

Nitong miyerkules pumalo sa 142 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa Davao City. Sumunod na araw ay may naitala na naman ito na 92 COVID-19 cases. 

Samantalang Dinala sa covered court ng El Rio Subdivision ang mga residenteng isinailalim sa mandatory swab testing.

Ayon sa Davao City Health office pinag aaralan na nila kung magdaragdag pa ng isolation centers para sa inaasahang pagdami ng kaso ng COVID-19 matapos ang community testing.

Ngayon ay mayroon nang 6,754 COVID-19 cases sa Davao City kung saan 4,195 ang gumaling at 303 naman ang namatay. Na sa kasalukuyan, mayroon 2,256 active cases ng COVID-19 sa lungsod. Inilagay na din sila muli sa ilalim ng general community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan na ito.

Leave a Reply