Ang facebook ay gumawa ng aksyon sa mahigit isang daang facebook accounts at pages dito sa Pilipinas na umanoy may koneksyon sa mga militar at pulisya sa pilipinas na siyang nagtatarget umano sa mga aktibista at kalaban.
Hindi lamang ang Pilipinas ang mga tanging sumusuporta sa pangulo ang gumagawa nito maging ang Tsina na sumusuporta sa Pangulo sa posibleng pag-bid sa kanyang anak na si Sara Duterte na ngayon ay mayor ng Davao city.
Ayon sa magkahiwalay na statement ng Philippine National Police at ng Armed Forces of the Philippines tinaggi ang alehiya na sila ay may kaugnayan sa mga social media account na ito.
Ayon naman sa Palasyo ay dapat itong mga social media giant na ito ay dapat tanggalin ang mga ito upang masiguro na walang biased pagdating dito.
Ngunit ayon naman sa isang online press conference na ginanap nitong huwebes ng gabi, si Nathaniel Gleicher, isang facebook cybersecurity policy chief, na ang mga fake accounts na nagengage ay may coordinate anathentic behavior (CIB) na kung saan ang community guidelines ay sinuway nito.
Ayon sa facebook ang mga fake account na kanilang nakikita ay nagmula sa timog silangan, lalawigan ng Fujian China na tumutugon sa mga taga timog silangan asya na may mga post na nakasulat na filipino, tsino at ingles na mga salita.
Ngayong araw tinanggal ng facebook ang mga fake account na higit kumulang 150 account, 11 pages, 9 na facebook group at 6 instagram na pawang mga naging kritisismo ng news site na Rappler.Sinasabing sumusuporta sa pangulo at sa anak nito na may potensyal na tatakbo sa darating na presidential election sa darating na taong 2022.