Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Ayon sa kalihim ng Department of Information and Communications Technology na si Secretary Ivan John Uy nitong Martes, bumaba na ang bentahan ng mga SIM card.

Ito ay kaugnay ng pagpapatupad ng SIM Card Registration law ayon sa naturang opisyal.

Sa isang briefing sa Malacañang, sinabi ni Uy na ang dahilan ng pagbagsak ng bentahan nito ay dahil hindi na magawa ng mga sindikato o scammers ang dating gawi nito sa mga SIM Card.

“‘Yung resellers, distributors ng SIM cards, since nag-announce tayo ng ganito, bumagsak ang bentahan nila ng SIM cards dahil dati itong mga scammers, itong mga sindikato, bili nang bili ng SIM card, tapon,” aniya.

“Ngayon, alam nila na hindi na nila magagawa ‘yan, bumagsak ngayon ang bentahan ng SIM cards,” dagdag pa niya.

Ang naturang pagbagsak ay inaasahan na sa SIM Card Registration law dahil wala nang demand dito bukod sa pagbebenta sa mga dayuhang pumupunta sa bansa.

Dagdag pa niya, bumaba na rin ang bilang ng mga spam text message nang magsimula ang implementasyon ng nasabing batas sa Pilipinas.

Leave a Reply