Share:

By Margaret Padilla

Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na isang viral phishing site ang kumakalat na link patungo sa nagkukunwaring bagong bersyon ng lumang social network na Friendster.

Ayon sa isang ulat, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (NCERT) na bagama’t mukhang lehitimo ang website, ang IP address nito ay dati nang nauugnay sa cybercrime tulad ng phishing.

The ‘new’ Friendster appears to be a legitimate website but upon initial investigation, the current IP address hosting the website (23.106.120.84) had previous reports about phishing, brute force, and DDoS attacks, hacking, and host exploitations,” inihayag noong Lunes ng NCERT, sangay sa ilalim ng DICT Cybersecurity Bureau.

Mabilis na naging viral ang isang post sa Facebook na nagsasabing maari na ngayong mag-sign up ang mga user sa muling ibinalik na Friendster, na may higit sa 9,000 shares at 6,000 na mga reaksyon.

There is a possibility that the said website is being used for phishing. To avoid future potential threats, do not click on suspicious links. Do not register on this website because your data may be compromised,” payo ng NCERT sa mga netizens.

Gayunpaman, iniulat rin ng NCERT na “libu-libong tao” ang nakarehistro na sa website.

Ayon sa CNN Philippines, isa ang Friendster sa pinakasikat na online networking services noong 2004.

Dahil sa kakulangan ng mga pagbabago sa teknolohiya ng kumpanya at hindi magandang karanasan ng user, napilitang isara ang site noong 2015.

Samantala, sa isang artikulo noong 2020, ipinahayag ni Lawrence Suzara, isang multimedia designer kung bakit ang Friendster ang pinakamainit na social networking site noon:

Masaya ang Friendster at lahat ay nakatuon sa pagpapaganda ng kanilang mga profile page, pangangalap ng mga testimonial mula sa mga tunay na kaibigan, and choosing the perfect music to autoplay that describes your personality. Walang toxicity, legitimate socializing lang,” aniya.

Leave a Reply