Share:

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules, Agosto 25, 2021, na nasa 80 porsyento na ng ayuda ang napamahagi sa National Capital Region (NCR).

80.96 porsyento o nasa 9.1 bilyong piso ng 11.2 bilyong pisong halaga ng pondo mula sa pambansang pamahalaan ang napamahagi na ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año. Sinagawa ang pamamahagi ng ayuda upang bawasan ang epekto ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa ekonomiya.

Sa ngayong nasa 9,101,999 na low-income individuals na sa NCR ang nakatanggap ng ayuda mula Agosto 11-24. Inaasahang matatapos ang pamamahagi bago matapos ang buwan.

Leave a Reply