Share:

By Frances Pio

––

Nakita sa sala ng tahanan ng dating unang ginang na si Imelda Marcos ang posibleng nawawalang painting ni Pablo Picasso. Ito ay isa sa mga inuutos na bawiin mula sa pamilya Marcos.

Naniniwala ang ‘Kingmaker’ director na si Lauren Greenfield na lumabas na ang Femme Couche VI (Reclining Woman VI) ng kagalang-galang na pintor batay sa mga larawang ibinahagi ng mga tauhan ng media ng nangungunang kandidato sa Pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Picasso is back!” ika ni Greenfield sa kanyang tweet.

Inalerto ni Andres Bautista, dating chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG), ang mga bagong pinuno na kumilos bago maging huli ang lahat.

“PCGG, the Picasso is back! Please seize it for the Filipino people while you still can!” ika niya.

Kabilang ang Picasso piece sa walong painting na iniutos ng Sandiganbayan na bawiin mula sa pamilya Marcos noong 2014.

Malabo kung orihinal o replica ang painting na nakasabit sa sala ng biyuda ni diktador Ferdinand Marcos.

Leave a Reply