Share:

By Christian De

MAYNILA – Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., wala pa ring nominadong mga kalihim para sa Department of Health at sa Department of National Defense, nitong Huwebes, Disyembre 1.

Sabi ng pangulo, wala pa rin itong mga ino-nominate sa posisyong kalihim ng Department of Health at gumagawa aniya ng magandang trabaho ang itinalagang officer-in-charge Undersecretary ng ahensya na si Maria Rosario Vergeire.

Wala pa kaming DOH. Wala pa kaming i-nominate. Usec. Vergeire is doing a fine job. So, we let her do [her job] kasi we are still not out of the pandemic so we have to continue to be careful,” ani Pangulong Marcos Jr.

Matatandaang sinabi ni Marcos na magtatalaga lamang ito ng kalihim sa DOH kapag naging normal na ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, sinabi rin ni Marcos na nanantiling pending ang pagtatalaga sa posisyong kalihim ng DND, na ngayong pinamumunuan ni officer-in-charge Undersecretary Jose Faustino Jr., dahil masaya aniya siya sa kasalukuyang sitwasyon.

Sa DND, no, I think happy ako with the situation as it is now. We’ll see. These things are revisited especially every year at the end of the first year. I don’t think that’s a secret to everyone that at the end of the first year, ‘yung mga ibang kandidato, they will now join the mix of possible nominees,” anang pangulo sa isang panayam.

Leave a Reply