By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa Department of Health nitong Lunes, Enero 2, 2022, umabot na sa 211 ang bilang ng mga nasugatan dulot ng mga paputok isang araw matapos ang paggunita ng Bagong Taon.
“Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng mga kaso ng pinsala dulot ng paputok ay nasa dalawandaan at labing-isa (211) na mas mataas ng labing-anim na porsyento (16%) kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa sakop na petsa,” anang DOH.
Ang naturang bilang ay naitala matapos madagdagan ng bagong kaso ng fireworks-related injury na 74.
“Mula kahapon, Jan.1, pitumpu’t apat (74) ang naitalang bagong kaso ng fireworks-related injury mula sa 61 na DOH sentinel hospitals,” ayon sa pahayag ng ahensya.
Labing-anim na porsyento mas mataas kumpara sa mga naiulat noong nakaraang taon sa kaparehong mga araw, Disyembre 21, 2021 hanggang Enero 2, 2022.
Sa pagitan ng nabanggit na mga araw, nasa 182 ang ang bilang ng mga naputukan.
Babala ng DOH sa publiko na huwag hayaan ang mga bata na maglaro ng mga paputok. At sakaling may maaksidente, agad manghingi ng tulong-medikal.
Dagdag pa nito, paalala ng DOHaglinis ng kanilang kapaligiran at itapon nang wasto ang kanilang mga ginamit na paputok.
Mananatiling nakaantabay ang ahensya sa mga fireworks-related injuries hanggang ika-6 ng Enero.