Share:

By: Margaret Padilla

Nagpahayag ang officer-in-charge ng Department of Health (DOH) na si Ma. Rosario Vergeire noong Lunes na sa kabila ng katotohanang naitala ng bansa ang unang kaso ng monkeypox, hindi lahat ng Pilipino ay maaaring kailanganing kumuha ng bakuna bilang karagdagang proteksyon laban sa virus.

Kamakailan ay sinabi ni Vergeire sa panayam ng The Source ng CNN Philippines na taliwas sa COVID-19, hindi na kailangang bakunahan ang lahat maliban sa mga “high-risk na indibidwal” na maaaring madaling kapitan ng sakit.

Binigyang-diin ng officer-in-charge na ang monkeypox ay hindi katulad ng COVID-19 kaya hindi lahat ng Pilipino ay dapat mabakunahan upang maiwasan ang pagkalat nito.

“For monkeypox, we only have specific sectors that we identify via a sample that would need this kind of vaccine, such as our health workers and other vulnerable sectors,” paliwanag niya.

Hindi tinukoy ni Vergeire kung ang mga vulnerable group para sa COVID-19 ay katulad din ng para sa monkeypox, ngunit pansamantala, ang unang tatlong grupo na binigyan ng prioridad para sa COVID-19 shots ay mga health worker, senior citizen, at mga taong may comorbidities.

Sinabi pa niya na habang ang gobyerno ay nakikipag-usap sa mga prospective partners upang makagawa ng mga bakuna, ang availability ng global supply ay kasalukuyang limitado.

Noong Hulyo 29, naitala ng Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox — isang Pilipino na dumating mula sa ibang bansa noong Hulyo 19. Ang kaso, ayon naman kay Vergeire, ay gumagaling na, at ang sampung malalapit na kontak nito ay na-quarantine at maingat na binabantayan para sa mga sintomas. 

Ayon sa World Health Organization (WHO), “human-to-human transmission is limited. Monkeypox can be transmitted through contact with bodily fluids, lesions on the skin or on internal mucosal surfaces, such as in the mouth or throat, respiratory droplets, and contaminated objects.”

Leave a Reply