By Frances Pio
––
Nasa 9.5 percent na ngayon ang national COVID-19 positivity rate ng bansa, sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes.
“The national positivity rate has increased to 9.5 percent similar to the rates in mid-February (of 2022),” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ang positivity rate na ito ay halos doble na ngayon sa positivity rate benchmark ng World Health Organization na 5 porsiyento.
Nauna nang itinakda ng DOH ang national positivity rate sa 6.8 percent noong Hulyo 5.
Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na ang lahat ng mga lugar ay patuloy na nasa ilalim ng “low-risk” classification dahil sa mababang bilang ng malala at kritikal na impeksyon ng COVID-19, gayundin ang average daily attack rate (ADAR).
Ang bilang ng malubha at kritikal na admission sa buong bansa, ani Vergeire, ay wala pa sa 1,000.
Binanggit din ni Vergeire na habang ang ADAR ay umaabot sa 1.3 hanggang 4.44 bawat 100,000 populasyon sa Metro Manila, Calabarzon, Western Visayas at CAR, ang ADAR sa ibang bahagi ng bansa ay nananatiling mas mababa sa 1 sa bawat 100,000 populasyon.