Nabakunahan na kontra COVID-19 si Health Secretary Francisco Duque III. Sinovac ang bakuna na natanggap ni Duque matapos siyang sumailalim sa screening process na kinakailangan bago mabakunahan ang isang indibidwal.
Ayon naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay ngayong araw talaga nakatakda ang pagbabakuna kay Duque.
“Inayos na namin ng team niya na talagang Friday will be the day for him to get vaccinated. Para po sa rest of the DOH team we follow the prioritization framework,” ani niya.
Samantala, ayon sa isang opisyal ay noong nakaraang dalawang linggo pa nagsimula ang pagbabakuna sa DOH.
Senior citizen at mga may karamdaman lamang ang mga nabakunahan dahil na rin sa kakulangan pa ng bakuna sa ating bansa.
Nagbigay naman ng pahayag si Duque matapos siyang mabakunahan.
“As I receive my dose of the COVID-19 vaccine today, I invite everyone to do the same, and choose to be protected. Let us all take part in protecting public health, and let us be in unison in spreading one message: that vaccines are safe, and vaccines are effective,” ani ni Duque.
“The government also set up an indemnification fund to ensure the welfare of patients who will experience serious adverse events,” dagdag niya.