Share:

By Frances Pio

––

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Linggo na nagpositibo siya sa COVID-19.

“I have Covid. Tested positive Thursday,” sinabi Remulla sa mga reporters.

Idinagdag ni Remulla na sa kasalukuyan ay mild symptoms lang ng COVID-19 ang kanyang nararanasan.

Samantala, si Jose Dominic Clavano, isang abogado na nakatalaga sa Office of the DOJ Secretary, ay nagsabi sa mga mamamahayag na si Remulla ay “okay na,” idinagdag na ang Justice Secretary ay nagtatrabaho sa bahay, habang nakasailalim sa quarantine.

Nangyari ito ilang araw lamang matapos magpositibo sa COVID-19 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos magsagawa ng antigen test noong Hulyo 8 — ang kanyang pangalawang beses ng pagkakasakit.

Tiniyak ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Linggo, gayunpaman, na bumuti na ang kalagayan ni Marcos.

Ang Pangulo ngayon ay mayroon lamang banayad na sintomas na “no fever, no loss of taste and smell sensation,” ani Cruz-Angeles.

Leave a Reply