Share:

Simula nitong Oktubre 29, 2021, hindi na kakailanganing magpakita ng anumang negatibong resulta ng COVID-19 test o medical certificate para makapasok sa Probinsiya ng Cebu ang mga fully vaccinated domestic traveler.

Sa kanyang memorandum, sinabi ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na kailangan lamang ipakita ng mga fully vaccinated na biyahero ang kanilang vaccination card o vaccination certificates bilang patunay na nabakunahan upang makapasok sa Cebu.

Ibig sabihin nito na hindi na sila kinakailangang magpakita ng alinman sa mga negatibong resulta ng RT-PCR o Antigen, o mga medical certificate. (By: Frances Pio)

Leave a Reply