Share:

By: Jude Sagun

Humingi ng paumanhin si Donnalyn Bartolome sa mga netizen matapos niyang i-post sa social media ang kanyang baby-themed photos para sa kanyang ika-28 na kaarawan. 

Sa nasabing mga larawan ng Youtube star, makikita itong nag-ala sanggol na nagdidiwang ng kaarawan, pero may twist dahil nag-ala model si Donnalyn at na-highlight ang kanyang magandang body figure. 

Pero ang mga netizen, tila hindi ito nagustuhan dahil anya, sini-sexualize umano ni Donnalyn ang dapat na inosenteng imahe. 

Agad na binura ng Viva Actress ang mga larawan at nag-post ng kanyang paghingi ng tawad sa social media. 

“It was an honest mistake, it was never my intention to enable one of the most horrifying acts here on Earth,” she wrote with a broken heart emoji,” Ani Donnalyn. 

“Almost a million people across [social media] platforms thought of it light and funny because they know my personality and didn’t look at it that way hence our initial reaction to the idea was the same… but upon reading other people’s perspective, I completely agree. I feel terrible, sick to my stomach and had disturbing flashbacks I’d rather not say.”

Ayon pa sa kanya, natagalan umano ang pagbura niya sa mga larawan, upang ma-copyright at mapigilan pagkalat nito. 

Nanawagan din siya sa mga netizen na isend sa kanya ang link ng mga larawan na patuloy na kumakalat sa internet upang maipabura ito. 

Dagdag pa ni Donnalyn, ‘overprotective’ siya sa kanyang mga nakababatang kapatid, kung kaya’t ang pag-sexualize anya sa baby-themed photo ay hindi niya intensyong gawin. 

Nagpasalamat din ang actress-singer sa mga kritisismo ng publiko, na anya’y tumutulong sa kanya upang mas maging mabuting tao. 

Leave a Reply