By Jude Sagun
MANILA, Philippines – Muling pinanggigilan ng mga netizen ang bagong komento ng social media star at singer na si Donnalyn Bartolome, kung saan sinubukan nitong pagaanin ang loob ng isang fan.
Ayon sa isang fan, “Grabe, sobrang ganda nyo po. Nakakai-insecure po talaga, lalo ‘pag tumingin na ‘ko sa salamin after birth.”
Tugon naman ni Donnalyn, “Mommy, isipin mo na lang, binuntis ka… Sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis… parang talo moko sa ganda, wag ka na ma-insecure diyan ha. I’m sure maganda ka, smile ka na, yieeee.”

Screengrab from Donnalyn Bartolome/Facebook
Kaagad na naging top trending topic si Donnalyn sa twitter, Lunes nang madaling araw at pinag-usapan ang kanyang komento.
“And the worst part is, karamihan sa mga fans nya puro teenagers or mga bata. Ano na lang iisipin nila sa ganito? Para maging maganda magpabuntis? Magpabuntis kasi maganda? Tama ka na, Donnalyn. Paano pa yung mga na-s/a tapos nabuntis? Napaka out of touch mo talaga sa reality ano,” sabi ng netizen na si kylie @90spelikula.
Noong New Year lamang nang mag-trending din si Donnalyn dahil sa post nito na dapat umanong ‘wag ikalungkot ang pagbabalik sa trabaho matapos ang Holiday vacation at ikatuwa ang pagkakaroon ng trabaho.
Noong nakaraang taon din nang mag-trending si Donnalyn nang magbihis ng pang-baby para isang photoshoot at mag set-up ng “Kanto-themed birthday party.
Dahil rito, tinawag siya ng mga netizen na “problematic” dahil umano sa mga post nito na pawang ‘di pinag-iisipan at insensitibo.
“Everyday routine ni donnalyn ang pagiging problematic,” ayon sa netizen na si @ksjxnmj.
Si Donnalyn ay isa sa mga pangunahing artista ng Viva Artist Agency, at pinasikat ang mga kantang “Kakaibabe,” at “Happy Break Up.”