Ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon Jr., hihintayin muna ng DOT ang rekomendasyon mula sa mga medical experts na luwagan ang quarantine restriction sa NCR-plus.
“Ang gusto lang naman po ng DOT, kagaya ng palaging sinasabi ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ay yung slow but safe restart of tourism activities,” Pahayag ni Bengzon.
Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga local government unit (LGUs) at mga tourist destinations na panatilihin ang mahigpit na pagpapatupad sa mga health protocols at guidelines upang masiguro ang kaligtasan ng mga manlalakbay, mga frontliner, pati na rin ang mga residente sa kanilang komunidad.
Ang Metro Manila at ang mga kalapit na probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal – na sama-sama na kilala bilang NCR-plus – ay nasa ilalim ng MECQ hanggang April 30.