Share:

By Frances Pio

––

Matapos magbukas ng mga bagong ruta ngayong pasukan, hiniling ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Linggo sa Metropolitan Manila Development Authority na suspindihin ang no contact apprehension policy para sa mga pampublikong sasakyan.

Sa isang liham na ipinadala sa MMDA noong Agosto 19, hiniling ng dalawang ahensya na tiyakin na ang mga PUV ay makakapag-accommodate ng mga pasahero sa gitna ng inaasahang pagsisikip ng trapiko at pagdami ng mga pasahero sa Metro Manila dahil sa pagsisimula ng klase ngayong Lunes.

Sinabi naman ng MMDA sa DOTr na walang mahuhuli na mga PUV dahil hindi pa ito nag-iisyu ng certificates of public convenience (CPC) para sa mga rutang bubuksan ngayong Lunes, at naibigay na ang mga special permit sa mga PUV habang naghihintay ng Opisyal na desisyon ng LTFRB na buksan ang mga aplikasyon ng CPC.

“Bukod diyan, exempted ang mga PUV sa Number Coding Scheme ng MMDA. Pero iginigiit ng MMDA na hindi exempted ang mga PUV sa paglabag sa mga batas-trapiko at tinitiyak nila na mananagot ang mga pasaway na PUV driver sa kalsada. Dinagdag nito na lahat ng CPC violations ay ipapadala sa LTFRB para sa karampatang aksyon,” ayon sa MMDA.

Pagkatapos ay pinayuhan ng LTFRB ang mga operator at tsuper ng pampublikong transportasyon na sumunod sa mga patakarang nakasaad sa kanilang mga prangkisa at pansamantalang awtorisasyon.
Ang mga franchise o lisensya ay maaaring bawiin kung sakaling may paglabag.

Matatandaang inanunsyo ng LTFRB noong Miyerkules ang muling pagbubukas ng 133 pre-pandemic routes para sa PUVs, kabilang ang 33 bus routes, 68 jeepneys routes, at 32 route para sa UV express vehicles.

Leave a Reply