Share:

“No one is exempted” ayan ang nais ng pangulo sa imbestigasyon na gagawin sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan sa bansa. Ito’y matapos lumabas ang alegasyon sa DPWH kung saan nagbigay ng pahayag si Public Work Secretary Mark Villar at maging siya mismo ay kasama sa iimbestigahan ayon sa Department of Justice.

Ayon kay Pangulong Duterte, tiwala naman siya kay Villar na di umano’y isang tapat sa tungkulin at mapagkakatiwalaang empleyado. Alam naman ng asawa ni Villar na si Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na ipinahayag lang ng pangulo ang tiwala nito sa asawa at alam nila na hindi sila liban sa imbestigasyon.

Samantala, ayon naman sa Department of Justice, magfofocus sila sa mga ahensya na may isyu na ng korupsyon. “It depends where there are allegations of corruption, if there are none we will focus on those where there are allegations of corruption,” ani ni Mrs. Villar.

Leave a Reply