Hinimok ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nitong Miyerkules si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa agarang pagpasa ng isang hakbang sa pag-criminalize sa red-tagging.
Sinabi ni Drilon na ang pag-apruba ng Senate Bill No. 2121, na inihain niya noong Marso, ay naging “imperative” kasunod ng naiulat na pahayag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang red-tagging ay hindi pa isang kriminal na pagkakasala sa ilalim ng kasalukuyang mga batas.
“With the opinion of the Secretary of Justice, we urge President Duterte to certify as urgent the passage of Senate Bill 2121 which we filed to punish red-tagging by state agents,” sinabi niya sa isang text message sa mga reporter nang humingi ng komento.
Sinabi ni Guevarra na ibubuhos niya ang kanyang supporta sa hakbang na ito upang gawing kriminal ang red-tagging dahil ito ay “help reduce the problem of reckless endangerment [of state forces].”
“If Congress is minded to criminalize red-tagging, it should enact the appropriate legislation,” sinabi ng DOJ chief.
Pinuri ni Drilon ang pagsuporta ng DOJ chief sa naturang hakbang.
“The opinion of the Secretary of Justice that there is a gap in the law, i.e., that red-tagging is presently not a criminal offense under our laws, makes the passage of SB 2121 which we filed imperative,” ani Drilon
Nilalayon ng panukalang batas ni Drilon na gawing krimen at parusahan ang mga nag red-tagging na mga ahente ng estado.
Kung itoy ay maisasabatas ang isang taong napatunayang nagkasala ng red-tagging ay makukulong sa loob ng 10 taon at madidiskwalipika mula sa pagkakaroon ng posisyon sa gobyerno.