Share:

Sinagot ni Senator Franklin Drilon ang mga hakahakang may posibilidad siyang tumakbo bilang presidente sa susunod na eleksyon taong 2022.

“Yes, the opposition will have a candidate. Count me out,” ani ni Drilon sa panayam sa kaniya ng ANC patungkol sa isyung politikal. Ayon pa sa kanya ang posisyon na ito ay hindi madali ngunit handa parin silang tumulong para sa ikabubuti ng bansa.

Siya rin ay nagbigay opinyon sa pamununo ng Inter-Agency Task force agaisnt Covid 19. Para sa kanya hindi maayos ang pamamaraan na ginamit nito gayundin ay kanyang iminungkahi sa Pangulo na baguhin o mag isip ng mas maayos na plano upang mapuksa ang patuloy na pagtaas ng bilang ng may Covid sa ating bansa.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 72,269 ang may covid, mahigit 23,623 ang gumaling dito at may bilang na 1,843 naman ang namatay dahil sa Covid-19.

Leave a Reply