Ayon sa City Government maaari ng i-install ng mga residente ng Maynila ang sticker ng radio frequency (RFID) sa kanilang mga sasakyan sa pamamagitan ng isang drive-thru site sa Kartilya ng Katipunan City of Manila ngayong linggo.
Nag bubukas ang drive-thru site mula 9 ng umaga hanggang 6 ng gabi simula Oktubre 31, Sabado hanggang Nobyembre 1, Linggo.
Nagbahagi naman ng mapa si Chief of staff Cesar Chavez bilang gabay para sa mga motorista na planong magkaroon ng mga sticker na naka-install sa kanilang mga sasakyan.
Sa isang panayam sa online press noong Miyerkules, sinabi ni Moreno na ang site ng pag-install ay para lamang sa “class one vehicles only” tulad ng mga sports utility vehicle at mga van ng pasahero
“Mayroon pong magaganap na drive-thru installation ibig sabihin mababawasan natin yung mahahabang pila sa mga toll gate na nabanggit at magaganap dito sa Kartilya sa may park,” sabi ni Moreno
Dagdag pa ni Moreno na ang pamahalaang lokal ay nakipag-ugnayan sa North Luzon Expressway, Subic – Clark – Tarlac Expressway, Cavitex (Manila – Cavite Expressway) at Cavite-Laguna Expressway upang maitaguyod ang drive-through site.
Ni-required naman ng Department of Transportation ang pag lalagay ng RFID stickers sa mga sasakyan ng motorista para sa pagpapatupad ng mga cashless toll na koleksyon sa mga toll road, para maiwasan ang trapiko.