Share:

Inanunsyo ng Land Transportation Office na maaari nang makapagparehistro muli ang mga may edad na 17-21 at 60-65 na taong gulang. Kanila ding pinalawig ang validity ng mga expired na lisensya hanggang sa katapusan ng taon. Ang mga pagbabago na ito ay dulot di umano ng patuloy na pandemya na nararanasan ng ating bansa.

Matatandaan noong mga nakaraang buwan ay hindi sila tumatanggap ng mga aplikante na may edad 21 pababa bilang pagsunod na rin sa patakaran ng IATF. Kaya naman ngayon, sa unti unting pagluwag ng mga patakaran ay unti unti na ring bumabalik sa dati ang mga patakaran ng iba’t ibang ahensya.

Samantala, ang mga senior citizen na pupunta naman sa LTO ay bibigyang prayoridad ng mga tauhan nito. Ito ay upang maiwasan pa ang pagkaroon ng sakit ng mga matatanda na mas mahihina ang resistensya.

Leave a Reply